Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kakastiguhin ang mga online seller kasama na ang mga digital content creator kapag hindi nagparehistro sa ahensiya.
Pinagrerehistro na ng BIR lahat ng mga indibiduwal na nagnenegosyo, kasama na ang mga nagbebenta sa mga digital platform, mga physical store, pati na mga digital content creator na kumikita sa blogging o vlogging, o sa pamamagitan ng subscription o commission.
Inilabas ng ahensiya ang Revenue Regulation No. 15-2024 noong Agosto 15, 2024 na pinirmahan nina BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. at Finance Secretary Ralph Recto.
Nagbabala ang BIR na papatawan ng multang P1,000 ang mga negosyong hindi nakarehistro ng pangalan ng tindahan o negosyo, at P1,000 naman para sa late registration sa mga boluntaryong nagparehistro.
Bukod dito, may P1,000 ring multa na ipapataw sa mga negosyo kung hindi nakapaskil ang Certificate of Registration (COR) o eCOR sa kanilang negosyo, website o webpage.
"Any person who is engaged in any trade or business in the Philippines and fails to register the same with the BIR shall be administratively and criminally liable for fines and penalties," sabi ni Lumagui.
Napansin ng BIR ang pagdami ng mga online business at iba pang aktibidad sa bansa.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment