Halos P85 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na poultry products mula China ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Parañaque City, ayon sa ulat kahapon.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang mga nasabat ay kinabibilangan ng frozen na karne ng baboy, itik, manok, at mga pagkain na may markang Chinese.
"The audacity of these people to smuggle and hide agricultural products right in the heart of Metro Manila is beyond me," ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio.
Sinabi pa ng BOC na ang mga may-ari ng warehouse ay bibigyan ng 15-araw na ipakita ang kanilang mga kinakailangang dokumento upang maalis ang mga alegasyon na sila ay nag-iimbak ng mga imported na produktong agrikultura.
Kung mabibigong magsumite ng mga tamang dokumento ay mahaharap sa mga kaso ang mga may-ari nito sa mga probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sa misdeclaration ng mga kalakal.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment