Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 117,372 na kaso ng influenza-like illness o ILI sa bansa. Mula Enero 1 hanggang Setyembre 14, sinabi ng DOH na ang bilang ay 15 porsyentong mas mababa kung ikukumpara sa rekord (137,980) para sa parehong … | By Headlines Ngayon on September 29, 2024 | Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 117,372 na kaso ng influenza-like illness o ILI sa bansa. Mula Enero 1 hanggang Setyembre 14, sinabi ng DOH na ang bilang ay 15 porsyentong mas mababa kung ikukumpara sa rekord (137,980) para sa parehong panahon noong nakaraang taon. Idinagdag nito na 126 na pagkasawi dahil sa ILI ang naiulat ngayong taon. Isang 11 porsyentong pagbawas sa mga nasawi kumpara sa 142 na pagkamatay sa parehong panahon noong 2023. Upang maiwasan ang ILI, inulit ng DOH ang kahalagahan ng regular na paghuhugas ng kamay, wastong pagsusuot ng mask sa mataong lugar at napapanahong pagbabakuna. BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment