Nilimas ng hindi nakikilalang mga kawatan ang hindi pa batid na halaga ng pera sa loob ng mga donation drop boxes ng isang simbahan sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.
Sa inilabas na pahayag ng Parish Pastoral ng Our Lady of Miraculous Medal Parish sa Project 4, posibleng bandang alas-8:00 ng gabi nang looban ang simbahan dahil hinintay lamang itong magsara.
Nitong Biyernes ng alas-5:30 ng umaga ay nadiskubre na lamang ang mga donation boxes na bukas na at wala nang lamang pera sa garden ng simbahan.
"Ang mga donation drop boxes ay kinuha sa kinalalagyan nito, sapilitang binuksan kinuha ang mga laman nitong love offering envelopes/contributions. Ito po ay natuklasan kaninang umaga (September 27) sa pagubukas ng simbahan." nakasaad sa pahayag.
Ayon sa pamunuan ng simbahan, agad nila itong ini-report sa Barangay Marilag at sa Quezon City Police District (QCPD) Police Station 8 para sa imbestigasyon.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment