Ilang araw matapos aminin na nahuli niyang binibidyuhan siya ng kanyang kapatid na lalaki habang naliligo, inawat ni Bea Borres ang mga bashers na tumitira ngayon sa kanyang kuya.
Sa kanyang Facebook page, nakiusap si Bea na tigilan na ang kanyang kuya dahil matagal na niya itong napatawad.
"Maybe I did overshare, but my past experiences have shaped me into the person I am today. Everything is well and forgiven, which is why I was comfortable enough to share my story.
"I've faced so much backlash already, so l'm not one to say 'stop bashing me,' but I hope we can stop tormenting my brother," bahagi ng mensahe ni Bea.
Dagdag pa ni Bea, marami nang natutuhan ang kanyang kuya dahil sa nangyari at malaki na ang ipinagbago nito.
"He has been getting professional help & has learned a lot. We have witnessed his change and growth. I love him and have already forgiven him a long time ago," dagdag pa ni Bea. "Mabuting tao ang kuya ko, he did his part and helped his self."
Kaugnay nito, ilang netizen naman ang sinabing hindi na dapat pang ibinunyag ni Bea ang ginawa ng kanyang kuya kung matagal na pala niya itong napatawad:
"the only mistake lang talaga is dapat di na lng nya sinabing KUYA nya para mka heal totally pwd nmn sabihing SOMEONE ehh para d punteryahin kuya nya at di din mapahiya sa mga kaibigan at kakilala nito … hal : SOMEONE took a video of me while I'm taking a bath naked .. instead of my older brother."
"Panu mag heal ung Kuya mo bea mention mo name nya tataka na UN sa iba at at tingin saknya ay Hindi na mawawala sa mga sinabi mo . Nakadikit na."
"Sana wag mag depress ulit kapatid mo after the interview. He was already healed and yet heard this i wonder what he would feel."
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment