Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang inaamag na nutribun at iba pang expired na food item sa ilalim ng school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) noong 2023, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Batay sa COA 2023 report, 21 Schools Divisions Office sa bansa ang nagka-delay o hindi na-deliver sa tamang oras ang food items at gatas sa ilalim ng School Based Feeding Program (SBFP) ng DepEd na may budget na P5.69 bilyon.
Natuklasan pa na mayroong insekto at peste sa loob ng Karabun/Milky bun and E-nutribun nang inspeksyunin ito sa Aurora SDO.
Sa Bulacan SDO naman, ay napadalhan ng pagkain na bulok o nasira na. Sa Misamis Oriental SDO naman, ibinalik sa suppliers ang nasa 1,000 piraso ng E-nutribun dahil sa amag.
Habang sa Iligan City SDO natanggap naman ang food item na may magkaibang expiry date sa kahon at sa mismong produkto.
"The product contains manufacturing date which is not easily discernible and misrepresents, contrary to the terms of the contract. Hence, the supplier failed to meet the standard of the contract in providing a clear and readable manufacturing date," sabi ng audit team.
Samantala, nanawagan naman si ACT Teachers Party List Rep. France Castro ng imbestigasyon hinggil dito.
"Hindi katanggap-tanggap na magde-deliver ng expired tapos ibabalik na lang. Hindi 'yun magandang practice. At dapat maimbestigahan ito. Imagine 10 in 17 regions. So, malaki… Kailangan natin i-blacklisted 'yun, o kailangan talaga natin ng report kaugnay diyan," ani Castro.
Saad naman ni bagong Education Secretary Sonny Angara na pumalit kay VP Sara sa nasabing posisyon, "'Pag paulit-ulit na pumapalpak, pwede i-blacklist 'yung supplier na 'yun, and siguro maglagay ng damages provision din sa kontrata, para medyo matakot ang mga ito."
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment