Ngayon na raw ang "best time" para ihain ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang sinabi ni Political Analyst Ronald Llamas sa Politiscoop matapos mapag-usapan ang umano'y iniuumang na impeachment sa bise presidente.
"Para sa mga kaalyado ni President Bongbong Marcos ngayon 'yung oras to hit for the jugular. Yung kanilang base ng mga Duterte ay na-erode na dramatically," ani Llamas.
Nabanggit din nito na bumababa na ang approval rating ni Duterte sa halos lahat ng survey.
Ayon pa kay Llamas na papabor ang impeachment laban kay Duterte dahil sa mga kasong umaalingawngay na sangkot ang asawa, ama, kapatid at ilang kaalyado nito.
"Nali-link na sa mga kaso 'yung kanyang asawa, 'yung kanyang kapatid, yung kanyang tatay, yung kanyang mga kaalyado, 'yung iba ay sisimulan na ngang kasuhan katulad nung paborito kong ex-human rights lawyer (Harry Roque)," wika ni Llamas.
"Ngayon 'yung panahon kung ilalagay siya sa lugar niya, ngayon 'yung panahon ng administrasyon na gawin yan (impeachment)" dagdag pa niya.
Idiniin din ni Llamas na kung gagawin ang impeachment pagkatapos ng midterm ellections ay baka magbago ang ihip ng hangin at mas dumami ang kaalyado ng bise presidente sa Senado.
Maaari raw madiin at hainan ng impeachment si Duterte sa mga kasong kinasasangkutan nito katulad ng sa Intelligence fund na kung saan nagastos ang P125 milyon sa loob lamang ng 11 days, tungkol sa COA reports, at pagkakasangkot umano nito sa kaso ng International Criminal Court.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment