Duda ang isang matataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) na pagbigyan ng gobyerno ang kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na maglabas muna ng written declaration si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya ibibigay sa US upang harapin ang kanyang mga kaso.
"That is a legal issue that needs to be carefully studied," ani DOJ Undersecretary Raul Vasquez sa Saturday News Forum.
Ang komento ni Vasquez ay bunsod ng naging pahayag ng tagapagsalita ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon na haharapin ni Quiboloy ang mga kaso kung si Pang. Marcos ay magbibigay ng garantiya sa pamamagitan ng 'written declaration', na una nang inihayag noong Abril ni Quiboloy.
Bukod sa written guarantee, hiniling din ni Quiboloy na ganundin ang gagawin ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at PNP-Criminal Investigation and Detection Group.
Subalit para kay Usec Vasquez; "no one in government can give that guarantee strictly speaking."
Nilinaw niya na ang Pilipinas ay may obligasyon sa extradition treaty sa Estados Unidos.
Una aniya, walang sinumang opisyal ng gobyerno ang magnanais na lumabag sa batas, lahat ng treaties ay nagiging batas sa oras na malagdaan at ma-conferred ng Senado.
Samantala, sa mensahe ni Atty. Torreon, iginiit niya na nasa kapangyarihan ng Pangulo na tiyakin ang proteksyon ng kaniyang mamamayan.
"I respect his opinion but if he will review Section 48 of RA 11479 there is even a ban on extraordinary rendition that pertains to persons accused or convicted of terrorism, how much more to a person who is accused of human trafficking," ani Torreon.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment