Sinalakay ng the National Capital Region Police Office (NCRPO) ang opisinang gumagawa ng mga pekeng dokumento tulad ng identification cards at mga pasaporte sa Sampaloc, Manila.
Nadiskubre rin na ang grupo ang gumagawa ng pekeng IDs at pasaporte para sa Chinese at mga Pilipinong nagtatrabaho para sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Ang lokasyon tila photocopying stall lamang mula sa labas, subalit pagpasok dito ay makikita ang mga kagamitan sa paggawa ng pekeng IDs at mga dokumento.
Nakuha ng mga operatiba sa raid ang mga ebidensya tulad ng mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), Land Transportation Office (LTO), drug tests na may negatibong resulta, at agency IDs, na pawang peke.
Gayundin, narekober ang Central Processing Units (CPU) ng mga computer kungsaan nakatago ang files ng contractors na nagtatrabaho sa POGO.
"Medyo mahirap-hirap hanapin. Palipat-lipat sila. Ang transaction ay three different persons. We were able to arrest personalities involved in the forging, falsification at paggawa nitong items na ito, lalo na ang passport, identification card, and birth certificate," pahayag ni Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr, NCRPO Regional Director.
Anim ang arestado sa stall at kakasuhan ng falsifying public documents.
Base sa kanila, ilang Pilipino ang tumutulong sa Chinese na makakuha ng "baklas" o pekeng Philippine passports.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment