Nagkaroon ng limang porsiyentong pagtaas sa mga kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Agosto 17 kumpara sa naitalang bilang nito noong 2023, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa datos na inihayag ng DOH nitong Lunes, Setyembre 2, nasa 3,785 leptospirosis cases ang naitala sa nakalipas na walong buwan ngayong taon. Limang porsiyento na mas mataas ito kaysa sa 3,605 kaso sa parehong mga buwan noong nakaraang taon.
"From July 7 to 20, only 251 cases were recorded. This went up almost five times to 1,184 from July 21 to August 3, the height of typhoon Carina and enhanced monsoon floods," ayon sa DOH.
Pero bumaba naman umano ang bilang nito sa 699 na mga kaso mula Agosto 4 hanggang 17.
Kaugnay nito, inihayag ng DOH na epektibo pa rin ang price freeze sa mga bilihin gaya ng gamot kabilang na ang doxycycline kontra leptospirosis.
Ipinatupad ang price freeze sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at habagat. Matatapos ang price freeze sa Setyembre 23.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment