Libreng pinamigay ng vigilante group na Deathnote Hackers International ang datos na nakuha nito matapos umanong pasukin ang system ng Villar Group of Companies.
Pero nilinaw ng grupo na hindi nila ito pagkakakitaan.
"Deathnote Hackers International will NOT and will NEVER sell data of any kind on any platform, regardless of its size or sensitivity. We ensure that any dumped data will be available for everyone for #FREE. This is our gift to those who continue to support the group," sabi ng grupo.
Libreng inilabas ng Deathnote Hackers ang 2.3 milyong records mula 2012 hanggang 2024 na nakuha nila sa Villar Group of Companies.
Sabi ng grupo, bahagi lang ito ng 11 milyong records na nakuha nila sa system ng kompanya.
Kasama sa mga datos na pinakawalan ng libre ay ang pangalan ng mga customer, address, contact numbers, company names, emails, bank records, payslips, employee details, birthdates, company locations, login portals, pati ang mga cancellation ng mga customer ng Villar Group.
Sabi ng kampo ng mga Villar, iniimbestigahan nito ang pangyayari at inaalam na ng IT infrastructure team kung gaano karaming datos ang nakuha.
Gumagawa na umano ng paraan ang Villar Group para mapangalagaan ang mga datos na hawak nito.
"We take this situation seriously and have implemented enhanced security measures to prevent further risks. We shall provide updates as more information becomes available," sabi ng Villar Group sa pahayag.
Malalim ang galit ng Deathnote Hackers sa mga Villar at sinabihan nito ang pamilya ng mga politiko na tumigil na sa pagpapanggap na interes ng taumbayan ang kanilang isinusulong.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment