Pinawalang-bisa ng Court of Appeals ang Temporary Protection Order (TPO) na inilabas ng Davao City Regional Trial Court laban sa police operation sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound kaugnay ng puspusang paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy.
Sa resolusyon ng CA 22nd Division na may petsang Setyembre 3, pinaboran nito ang petisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP) na kinuwestiyon ang legalidad ng TPO.
Base sa desisyon ng CA, walang sapat na awtoridad ang Davao City RTC Branch 15 para hawakan ang kaso kung kaya't walang bisa ang inilabas nitong TPO.
Ipinaliwanag ng CA na mismong ang Supreme Court (SC) na ang nag-utos para ilipat sa Quezon City ang mga kasong isinampa laban kay Quiboloy sa Davao RTC.
Samantala, inihayag ng abogado ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon na plano nilang maghain ng motion for reconsideration dahil sa paniwalang nagkamali ng desisyon ang CA hinggil sa TPO.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment