In fairness kay Jasmine Curtis-Smith, naitawid niya in a very witty way ang malisyosong chismis sa kanila ng kanyang bayaw na si Erwan Heussaff, mister ng kanyang kapatid na si Anne Curtis.
Una naming nalaman na may ganitong tsika dahil may nag-direct message sa amin at tinatanong kami ng tungkol sa diumano'y isyu kina Jasmine at Erwan. Na-weird-an kami sa isyu at kahit 'di namin alam ang kuwento, diretso na naming sinagot ang nagtanong sa amin na, "fake news 'yan. Imposible."
At sa Facebook post nga ni Jasmine noon pang August 30, kunsaan ay magkakasama sila nina Anne, Mommy Carmen, at Dahlia sa Adelaide, Australia, sinagot na ni Jasmine ang nasabing isyu.
Aniya, "Hi everyone and happy weekend. Ayoko na sana i-address to dahil alam ko naman my sister's and my supporters are wiser, but wag tayo magpadala sa fake news here on FB or TikTok.
"We are peacefully bonding and enjoying each other's company in Australia at the moment. love love love!"
At isang netizen ang diretsong nagtanong kay Jasmine na, 'Cristy kabit ka daw ni Erwan, naloka ako sis, sabi ko naman, di mang-aagaw si Cristy, si Shaira lang. HAHAHAHAHAHAHAHA."
Ang Cristy na tinutukoy ng netizen ay ang character na ginagampanan ni Jasmine sa GMA Afternoon Prime na 'Asawa ng Asawa Ko'. Si Liezel Lopez naman si Shaira.
Very witty itong sinagot ni Jasmine ng, "Gulong gulo na me kay Shaira, Jordan at Leon. Dadagdag pa talaga to. Don't me plz busy ako hahahaha."
Sa totoo lang, grabe na gumawa ng mga fake news at mag-assume ang ilang netizens. Kahit 'yung blind item namin sa aming podcast show sa YouTube, ina-assume ng karamihan na sina Anne at Erwan daw.
Hello, ako na nag-blind-item ang magbibigay ng clue, hindi sina Anne at Erwan ang tinutukoy namin.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment