Inalis sa pwesto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pito nilang tauhan sa Region 3 dahil sa reklamo ng 'kidnapping for ransom and serious illegal detention' at 'robbery' sa isang Chinese national. Ito'y nang magreklamo sa Phil… | By Headlines Ngayon on September 6, 2024 | Inalis sa pwesto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pito nilang tauhan sa Region 3 dahil sa reklamo ng 'kidnapping for ransom and serious illegal detention' at 'robbery' sa isang Chinese national. Ito'y nang magreklamo sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang Chinese national dahil sa umano'y pagdukot sa kaniya at pagnanakaw noong July 31. Ayon Kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, tiniyak nito ang kooperasyon sa imbestigasyon. Inirekomenda na ng Task Force on Anti-Kidnapping, National Prosecution Service ng Department of Justice na isailalim sa preliminary investigation ang pitong PDEA agents at ilan pang John Does. Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Carreon dahil ang PNP-AKG aniya ang humahawak sa kaso. BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment