Nasangkot ang isang ex-TV host na si Jaimielyn Santos sa mga kaso ng qualified human trafficking patungkol sa kumpanyang Zun Yuan Technology umano ni Alice Guo.
Kabilang siya sa pitong kapwa akusado na sumuko sa kustodiya ng National Bureau of Investigation na ipinakita sa isang press briefing kani-kanina lamang.
Sa paglilinaw ni Santos, legal umano ang kaniyang naging investment at pagpasok sa inalok na "online gaming company" at siya pa nga mismo ang nakikipagkita sa sa mga opisyal ng Offshore Gaming License Department ng PAGCOR kaya't hindi anila matatawag na "bogus" ang kanilang kumpanya.
Itinanggi rin ni Santos ang mga alegasyon ng human trafficking at sa Korte na lamang anila magbibigay ng karagdagang detalye ang kanilang kampo.
Ayon naman sa isa pang suspect, nadamay lang sila sa kasong ito dahil pinapirma sila ng kapatid ni Santos na asawa umano ng Chief of Staff ni Alice Guo.
Dagdag pa niya, natatakot na sila para sa kanilang buhay kaya't minabuti na lamang nila na sumuko sa kustodiya ng NBI.
Pinabulaan naman ni Santos ang mga alegasyon ng ibang mga suspect na ginamit lamang ang kanilang pangalan dahil inalok lang umano ang mga ito na mag-invest.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment