Hinukay ang mga labi ng 17-anyos na si Kian delos Santos gayundin ang dalawa pang biktima ng extrajudicial killings upang suriin ng forensic expert na si Dr. Raquel Fortun.
Ang paghukay sa mga labi ay isinagawa kamakalawa, isang araw bago ang fifth death anniversary ni Kian.
Magugunitang kabilang si Kian sa mga napatay sa kasagsagan ng anti-illegal drug operation sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ulat, sinabi ng Paghilom Program na ang mga labi ay susuriin ni Dr. Fortun.
Bibigyan din umano ng pagkakataon ang pamilya ng mga biktima para makapagluksa at isasailalim ang mga ito sa counseling.
Bukod dito, magpapaso na rin umano ang kontrata ng pamilya ni Kian sa sementeryo kaya ililipat na rin ito ng libingan.
EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST
No comments:
Post a Comment