Hinatulang guilty ang isang nurse sa pagpatay sa pitong sanggol at tangkang pagpaslang sa anim na iba pa.
Matapos ang 22 araw na deliberasyon, hinatulan nitong Biyernes ng hukom sa Manchester Crown Court ang 33-anyos na British nurse na si Lucy Letby sa pagpatay sa pitong sanggol, kabilang ang dalawang triplet na lalaki, sa neonatal unit sa Countess of Chester Hospital sa England sa pagitan ng Hunyo 2015 at Hunyo 2016, ayon sa ulat sa New York Times.
Ilan umano sa mga paraan ni Letby ng pananakit sa mga sanggol ang labis na pagpapadede ng gatas at pagtuturok sa mga ito ng air at insulin.
Nagsimula ng pag-iimbestiga ang Countess of Chester Hospital noong 2016 matapos sumirit ang bilang ng namamatay na sanggol sa kanilang neonatal unit.
FAITH N. DINGLASAN - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment