Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel kung saan napupunta ang malaking pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pulubi.
Sinabi ito ni Pimentel matapos mairita sa paalala ng DSWD sa publiko na huwag magbibigay ng limos sa mga pulubi.
"'Yong presence nila sa daan, ano ang mensahe sa atin na walang programa para sa kanila? Mahirap maniwala na may programa sa kanila dahil nandiyan sila sa harap mo sa daan," diin ng senador sa isang radio interview nitong Sabado.
"Dapat kumilos na ang DSWD diyan, awashed with cash ang DSWD. Dapat matulungan na nila 'yong mga kababayan natin na ganyan ang sitwasyon," dugtong pa niya.
Nagbabala pa si Pimentel na gigisahin niya ang kalihim ng DSWD kapag isinalang sa hearing ang ka-nilang panukalang budget para sa 2024.
"Kailangan nating itanong iyan kung mayroong programa. Kung mayroon mang programa, ang next tanong ko sa DSWD eh bakit nakikita pa natin sila sa daan?" ani Pimentel.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment