Ipasisilip ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa Kongreso ang hindi pagbabayad ng overtime pay sa mga guro na nagkaroon ng extended duties sa katatapos na halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan.
Ayon kay Castro, hihilingin din nila sa Kongreso kung maaaring magpasa ng supplemental budget para mabayaran ang mga guro.
"Dapat na mabigyan ng overtime pay ang mga gurong nagsilbi lagpas sa itinakdang oras sa nakaraang BSKE. Tiniis uli nila ang hirap, pagod at puyat para magkaroon ng maayos na halalan kaya dapat lang na suklian naman ang kanilang pagpapagal," sabi ni Castro.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, hindi sila maaaring magbigay ng overtime pay alinsunod sa joint memorandum circular ng Commission on Audit (COA) at Department of Budget and Management (DBM) dahil hindi nila empleyado ang mga guro.
Sinabi naman Castro na sa ilalim ng Joint Circular CSC-DBM No.2 Series of 2010 ay walang nakasaad na ang employer agency lamang ang maaaring magbigay ng overtime pay.
"The Comelec should have included the overtime pay of teachers when they proposed their budget for the BSKE because now it is the teachers who rendered services are being shortchanged," sabi ni Castro.
Ipinunto rin ng mambabatas na ang Comelec ang nag-otorisa sa mga guro na mag-overtime para matapos ang trabaho sa halalan. Sinabi rin nito na ang Comelec ang nag-deputize sa mga guro.
"We will propose an investigation of this matter when session resumes next week and see if we can move for a supplemental budget for the overtime pay of teachers," dagdag pa ni Castro.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment