Umabot sa ₱20M halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang bodegero matapos madakip sa isinagawang buy bust operation, Biyernes sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Jerome Abanto, 43, taga Barangay Ermita, ng nasabing lungsod.
Ayon kay Police Col. Elmer S. Lim, hepe ng City Intelligence Unit at City Drug Enforcement Unit sa Lapu-Lapu City Police Office (LCPO) katuwang nila sa operasyon ang Naval Forces Central (Navforcen) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 7), nadakip ang suspek bandang 4:00 PM ng Biyernes sa Barangay Gun-ob, ng nasabing lungsod.
Nakuha sa suspek ang 3 kilo ng shabu na tinatayang aabot sa halagang ₱20M; ₱400,000, at .45 kalibre na may mga bala.
Sinabi ng pulisya, na si Abanto ay bagong drug personality na nasa high value individual (HVI) sa regional level matapos isailalim sa monitoring hinggil sa iligal nitong aktibidades.
Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng LCPO si Abanto at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa illegal drugs .
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung sino ang mga kasabwat ng suspek.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment