Daily Mail PH

Sunday, December 24, 2023

PAANO I-LEGIT CHECK ANG MGA ONLINE SELLERS PARA IWAS-BUDOL?  

Site logo image Headlines Ngayon posted: " Pasko na naman, kaya't uso ulit ang mga sale at bagsak-presyong promo sa mga bilihin. Sabik man ang lahat na makamura sa Christmas shopping, nagiging talamak din ang pambubudol ng mga online scammer. Kung hindi maingat sa mga online transaction, madal" http://headlinesngayonblog.wordpress.com

PAANO I-LEGIT CHECK ANG MGA ONLINE SELLERS PARA IWAS-BUDOL?  

Headlines Ngayon

Dec 25

Pasko na naman, kaya't uso ulit ang mga sale at bagsak-presyong promo sa mga bilihin. Sabik man ang lahat na makamura sa Christmas shopping, nagiging talamak din ang pambubudol ng mga online scammer.

Kung hindi maingat sa mga online transaction, madalas ay hindi napapansin ng mga Pilipino na fake seller na pala ang kanilang kausap hanggang sa huli na ang lahat.

Para matulungang protektahan ang mga Pinoy laban sa mga scammer at fake seller, naglabas ng mga paalala at gabay ang GCash kung paano mag-"legit check" sa mga online seller bago ituloy ang transaction.

Sa paglabas din ng Express Send Checkbox feature, may dagdag na paalala para sa mga GCash users na i-review ang details ng seller tuwing nagbabayad gamit ang Send Money.

Paano makahuli ng fake seller?

Halos walang account history ang seller

Mag-ingat sa mga seller na wala o halos walang account history. Malimit gumawa ang fake sellers ng bagong account para makapanloko ng iba, lalo na kung na-block o na-report na ang kanilang profile.

Kapag sa social media namimili, gamitin ang "page transparency" feature para ma-verify kung kailan nagawa ang page at ilang beses na itong nagpalit ng pangalan.

Masyadong mababa mag-presyo ang seller

Kapag masyadong mababa at hindi kapani-paniwala ang mga presyong binebenta ng isang seller, malaking tsansang hindi nga dapat ito paniwalaan. Binababaan ng mga fake seller ang presyo ng kanilang bentahan kumpara sa average price ng mga bagay para makaakit ng mga mamimili.

Kung hindi nakakasigurado sa pagka-legit ng seller, i-check ang presyo ng isa o dalawa pang seller na nagbebenta ng parehong bagay para malaman kung tama ang bentahan ng napiling seller.

Walang ibang post at review sa page ng seller

Kapag walang ibang post o review ang seller maliban sa bagay na gusto nilang ibenta, pwedeng bago lamang sila sa platform o hindi pa sila bihasa sa pagbenta online.

Kapag bihasa at legit ang online seller, makikitang consistent ang paglagay ng posts, listing at review sa kanilang mga social media page para bigyan ang mga mamimili ng kaukulang impormasyon tungkol sa kanila at sa kanilang mga binebenta.

Paano mag "legit check" ng online seller?

1. Tignan ang profile ng seller

Bago magbayad ng kahit anong produkto, suriing mabuti ang seller profile. I-search ang pangalan ng seller o ng online shop para makita kung legit ang business at walang ibang ginagayang pangalan.

2. Suriin ang seller reviews

Tingnan ang review ng mga seller at hanapin kung may mga reklamo tungkol sa kanila. Kung iba-ibang social media platform o website ang gamit ng seller, kailangan ding tignan kung may mga review o comments ang iba pang mga customer.

Kapag may paulit-ulit na reklamo laban sa seller, maaaring karaniwang isyu ito ng seller na magbigay-perwisyo din sa iyo.

3. Humingi ng payment-upon-delivery option

Tanungin ang seller kung pwedeng payment-upon-delivery ang transaction para masigurong nasa tamang kondisyon ang produkto bago ito mabayaran.

4. Magbayad gamit ang GCash

Kapag nagbabayad ng mga pinamili lalo na mula sa online sellers, gumamit ng secure mode of payment gaya ng GCash. Sa Express Send Checkbox feature ng GCash, lahat ng user ay pinapaalalahanan na i-legit check muna ang online seller bago ituloy ang transaction.

Bago makapag-Send Money sa online seller, sinisigurado ng Express Send Checkbox na na-verify na ng user na legit ang tatanggap ng pera at tama ang amount na ibabayad sa kanya.

Sa dami ng mga alalahanin ngayong Pasko, 'wag nang idagdag pa ang maaaring maging perwisyo kapag nahulog sa panloloko ng mga fake seller. Manatiling maingat sa pag-shopping online at palaging i-legit check ang mga seller, online shop, maging ang mga bilihin para tuluyang ma-enjoy ang pamimili ngayong Pasko. Higit sa lahat, gumamit ng GCash para secure ang mode of payment sa bawat transaction.

Kapag nakaranas ng phishing scam at anumang panloloko sa inyong GCash account, i-report agad sa GCash Help Center na makikita sa inyong app o sa help.gcash.com. I-message si Gigi sa website at i-type ang "I want to report a scam."

ATTY. EDNA B. DEL MORAL

Comment
Like
Tip icon image You can also reply to this email to leave a comment.

Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app to use Reader anywhere, anytime

Follow your favorite sites, save posts to read later, and get real-time notifications for likes and comments.

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com on Twitter WordPress.com on Facebook WordPress.com on Instagram WordPress.com on YouTube
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at December 24, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Capping off 2025 with new Gen Z report, big team announcement – The Nerve

We have a couple of big announcements to cap the year   17 December 2025 View in Browser     Dear reader,    We have a couple of big ann...

  • [New post] Achieve Data Sovereignty through Omnisphere
    Crypto Breaking News posted: "Web 3.0 is one of the biggest buzzwords flying around the world of social media this year. An...
  • [New post] Tuesday’s politics thread is trying to stay positive.
    SheleetaHam posted: " Even though I just finished the latest Opening Arguments podcast about how Roe v. Wade is toast, and ...
  • [New post] Is XRP going to take the Crypto market by storm
    admin posted: "Is XRP going to take the Crypto market by storm While the SEC has been going after Ripple in court the XRP b...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • December 2025 (7)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.