Nagbabala si Senador Robin Padilla na hindi dapat makipag-away ang Pilipinas sa China dahil marami tayong ini-import na pagkain at produkto sa kanila.
Sinabi ito ni Padilla matapos uminit ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa territorial dispute sa West Philippine Sea (WPS).
Aniya, dapat ay maging "civilized approach" ang gawin ng Pilipinas sa WPS dahil pangunahing trading partner natin ang China.
"We have to feed our people (but) if China will really invade us, dying for the country is the most beautiful thing in this entire life," diin ng senador.
"So kailangan natin to be business-minded … pero pag in-invade nyo kami we are willing to die for our country," pagtiyak pa niya.
Sa China karaniwang umaangkat ang Pilipinas sa supply ng produktong agrikultura, kabilang na ang isda. Bukod dito, kumukuha rin tayo roon ng petroleum lubricants, materyales sa paggawa ng semiconductor devices at automobiles.
Sa Pilipinas naman kinukuha ng China ang digital monolithic integrated circuits, nickel ores at concentrates, cathodes, refined copper, at semiconductor devices.
Nitong Biyernes lamang ay kinastigo muli ng China ang Pilipinas dahil sa planong pagpapatayo ng permanenteng pasilidad sa Ayungin Shoal.
Nanindigan ang Chinese Foreign Ministry na pag-aari ng China ang Ren'ai Jiao, o Ayungin Shoal.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment