Nagpahiwatig si Senador Nancy Binay na posible siyang tumakbong alkalde ng Makati City sa 2025 elections.
Matatapos ang termino ni Sen. Binay sa 2025 at isa sa opsyon niya ay tumakbong alkalde dahil huling termino na rin ng kapatid niyang si Abby Binay.
Sa isang radio interview nitong Sabado, sinabi ng isang anchor na sana ay ang senadora ang susunod na alkalde ng Makati City.
"Your wish is my command," sagot ni Sen. Binay.
Nang matanong kung tatakbong alkalde ang kapatid na si dating Mayor Jejomar "Junjun" Binay Jr., sinabi ni Sen. Binay na "'Yong kapatid ko bagong sakal. Hindi ko alam kung magko-concentrate muna sa pamilya niya."
Hinggil naman sa posibilidad na ang bayaw nitong si Makati City Rep. Luis Campos, asawa ni Mayor Abby Binay, ang makalaban nito, sinabi ng senador na "Ayaw natin ng gulo sa pamilya."
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment