| Headlines Ngayon Dec 25 | Gumagawa na ng paraan ang Supreme Court para solusyunan ang tambak na mga kaso sa iba't-ibang korte sa bansa. Ito ang ibinalita ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo sa pagharap niya sa mga mamamahayag para sa isang Dialogue at Thanksgiving. Sabi ng Chief Justice, minamadali na ng Judicial and Bar Council ang pagpili ng mga bagong Huwes na ilalagay sa ibat-ibang branches ng mga korte sa bansa. Ang 'One Judge One Court' ay isa sa plano ng Korte Suprema para mabilis na umusad ang mga kaso. Aminado ang Punong Mahistrado, may mga huwes pa rin na umaabot ng hanggang tatlong korte ang hinahawakan kung kayat hirap pa rin na mapabilis ang mga pagdinig. ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment