Tumaas ng 22% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa loob ng nakalipas na pitong araw mula sa 16% na naitala noong Disyembre 12, ayon sa ulat ng OCTA Research Group nitong Huwebes.
Ito'y anim na porsiyentong pagtaas sa mga naitalang kaso ng COVID-19 infection sa National Capital Region, sabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibiduwal na nagpositibo sa mga nasuri sa COVID-19.
Maaari rin aniya magkaroon ng "peak infections" sa NCR sa susunod na linggo subalit maaari pa ito magbago.
"The case fatality rate in the country in 2023 was 0.34 percent or one in 300 cases for severe and critical cases, which constitute 22 percent of active COVID cases," ayon kay David.
Habang 63% naman ng mga aktibong kaso ang mild at asymptomatic sa COVID-19.
Samantala, pinatutukan sa Department of Health(DOH) ang posibilidad na pagpasok sa bansa ng COVID-19 subvariant JN.1 na natukoy na sa ibang bansa partikular sa Amerika.
Sabi ni Philippine College of Physicians president Dr. Rontgene Solante, kapag nakapasok sa bansa ang naturang subvariant posibleng maging dahilan ito ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Solante, hindi niya tiyak kung may na-detect nang kaso ng JN.1 pero dahil nakapasok na ito sa ibang bansa at walang ipinatutupad na paghihigpit sa mga biyahero kaya maaaring makapasok rin ito sa Pilipinas.
Inilagay ng World Health Organization (WHO) ang JN.1 sa klasipikasyon bilang variant of interest subalit hindi naman umano ito nagtataglay ng matinding banta sa kalusugan.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment