Pinag-aaralan ng Malacañang ang posibilidad na pagsabayin na lamang ang lokal na eleksiyon at plebisito para sa pag-amiyenda sa Konstitusyon sa May 2025.
Sa ambush interview sa Pangulo nitong Miyerkules bago tumulak sa Australia, ikinukunsidera nilang sabay na gawin ang midterm elections at plebisito upang makabawas sa gastos ang gobyerno.
Makakaipon aniya ang pamahalaan kung gagawing sabay kayat pinag-aaralan nilang mabuti ito.
" Oo, pinag-aaralan talaga natin yun dahil kung paghihiwalayin natin yang election at plebiscite, parang dalawang eleksiyon yun eh, napakamahal, " anang Pangulo.
Hindi aniya agad-agad na magagawa ito dahil may isyung legal kaya pinag-aaralang mabuti upang masigurong hindi sasablay sakaling pagsabayin ang local elkections at plebisito sa charter change.
Magkakaroon aniya ng problema sa preparasyon para sa halalan kaya tinitingnan nila ang lahat ng paraan upang makabuo ng tamang solusyon.
Batay sa timetable ng Kamara, target gawin ang plebisito sa Hulyo, pero sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na kakausapin nito si House Speaker Martin Romualdez para isabay na lamang ito sa darating na lokal na eleksiyon.
"Mag-o organize tayo– kasi ang plebisito parang eleksiyon din yan eh. So mag-eeleksiyon ka tapos magpe-plebisito ka, it's very hard also to have a plebiscite before the election kasi mabubulilyaso yung preparation para sa halalan," dagdag ng Pangulo.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment