Tila nagpalaro si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy sa mga naghahanap sa kanyang kinaroronan makaraang lumabas ang mga espekulasyon na tumakas na siya palabas ng bansa.
Sa kanyang post, nag-alok pa ang kontrobersyal na televangelist ng P1,000 reward sa makakahula sa kanyang lokasyon.
Meron pang tip si Quiboloy para sa mga gustong humula.
"Ako'y nakakubli, hindi kalayuan dito. Kuta ko'y puro bato, laksa-laksang pula at itim na langgam, handing ipagtanggol ako sa. Mga manlulupig na mga tao. Kano man o kalahi ko. Upang aking maitayo ang prinsipyong diwa, karanalan, Kalayaan ng isang marangal na Pilipino na naisilang sa paanan ng matayog sa lahat ng bundok Apo, sulong bayan ko, ipaglaban karapatann sa manlulupig di ka. pasisiil ang mamatay ng dahil sa 'yo," aniya.
Matatandaan na ipinatawag ng ilang senador si Quiboloy para sa imbestigasyon ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality hinggil sa diumano'y human trafficking activity at children and women abuse na kinakaharap ng pastor.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment