Inihayag ni Senator Bong Revilla na tatakbo pa rin siyang senador sa 2025 midterm elections.
"Next year panahon na ng pangangampanya uli. I'm running for reelection. Akala n'yo ibang posisyon," saad ni Sen. Bong sa "Marisol Academy" sa Telebtabloid nitong Feb. 8.
Kamakailan ibinida ni Revilla ang litrato niya kasama ang dalawang kapwa senador na sina Lito Lapid at Robin Padilla.
Kasama rin nila sa litrato ang Kapamilya actor na si Coco Martin.
"Ayos na," ang inilagay na caption dito ni Revilla.
Ang sabi, para ito sa isang pelikula na intended for Metro Manila Film Festival.
Ayon naman kay Revilla, gusto niyang pang-MMFF ang pagsasamahan nilang movie nina Lapid, Padilla at Martin.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment