Bawal na ang social media platform na TikTok sa Amerika.
Ito'y matapos pagtibayin ng US Senate sa botong 79-18 ang panukalang pag-ban sa nasabing video-sharing platform dahil sa pangambang magagamit ito ng China para mang-espiya sa mga Amerikano.
Itinuturing ito ng mga mambabatas sa US na banta sa kanilang seguridad kung saan magiging paraan umano ito ng China para magmatyag at makakuha ng impormasyon sa kanilang bansa.
Matatandaang lantarang sinuportahan ni US President Joe Biden ang nasabing hakbang at nangako pa itong agad siyang pipirma sa sandaling dumating na sa kaniyang opisina ang panukala para maging isa itong ganap na batas.
Samantala, nag-aalala ang American Civil Liberties Union dahil posible itong magresulta ng lubusang pagkontrol ng gobyerno sa mga social media platform at paggaya rito ng ibang bansa para i-ban din sa kanila ang mga foreign-owned online platform.
Sa ilalim ng panukalang batas, inuutusan ang may-ari ng Tiktok na ByteDance na si Zhang Yiming na ibenta ang stake nito sa loob ng siyam na buwan. Sakaling hindi maibenta ay tuluyan ng iba-block ang online platform sa US na mayroon ditong higit sa 170 million user.
FAITH N. DINGLASAN - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment