Naghayag ng paniniwala ang Supreme Court (SC) na ang red-tagging ay banta sa buhay, kalayaan at seguridad.
Ang pahayag ay matapos paboran ng SC ang 'writ of amparo' na inihain ni dating Bayan Muna Party-list Rep. Siegfred Deduro, isang aktibista at dating Representative ng party-list Bayan Muna sa House of Representatives.
Napag-alaman na si Deduro ay kinilala bilang isang underground communist ng mga military sa ginanap na pulong sa Iloilo Provincial Peace and Order Council noong Hunyo 19, 2020.
Ito ay bukod pa sa naglagay ng.mga poster na nagpapakita na siya umano ag isang kriminal , terorista at.miyembro ng CPP-NPA-National Democratic Front (NDF) na idinisplay sa iba't- ibang lugar sa Iloilo City.
Diumano, kinakitaan ng SC ng 'prima facie evidence' ang petisyon ni Deduro para paburan ang pag-iisyu ng 'writ of amparo.'
Alinsunod umano ang 'petition for writ of amparo' sa A.M. No. 07-9-12-SC o ang Rule on the Writ of Amparo, na nagsisilbing remedyo para sa mga indibiduwal na nilalabag ang karapatan.
Nakita umano sa kaso ni Deduro ang seryosong banta sa kanyang karapatan.
Binatikos rin ng SC ang Regional Trial Court (RTC) sa pagbasura ng petisyon ni Deduro nang hindi inatasan si Maj. Gen. Vinoya na sagutin ang alegasyon na maliwanag na paglabag sa due process ng magkabilang panig.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment