Naaresto ng Taguig City Police ang dalawang lalaki, kabilang ang isang dating traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dahil sa kasong 'usurpation of authority'.
Kinilala ang mga inaresto na sina Tomas Taguinod Jr., at Karl Vincent MoaƱa na nadakip noong Sabado, Mayo 4.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na namamara ng mga truck ang dalawang "enforcers" sa bahagi ng C5 Road.
Nakatanggap ng tawag ang desk officer ng Taguig City Police Substation 2 mula sa Taguig City Command Center kungsaan iniulat na may dalawang lalaki na nagpakilalang traffic constable umano sila ng MMDA.
Agad nagtungo ang mga arresting officer sa C5 Northbound, Centennial Village, Brgy. Pinagsama, Taguig City.
Nabigo ang dalawang suspek na magpakita ng mission order at valid ID na magpapatunay na kawani sila ng MMDA kaya't inaresto sila ng Taguig City Police.
Sa report, dating traffic enforcer si Taguinod ng MMDA na naka-assign sa C5-McKinley. Napatunayang guilty si Taguinod sa reklamong extortion at grave misconduct noong 2021 kaya ito tinanggal.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment