Kulong ang isang drug suspect na babae nang makuhanan ng higit P183,000 halaga ng shabu sa isinagawang drug buy-bust sa Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico A Maranan ang suspek na si Laila Taup, 47 , residente ng Brgy. Central Diliman, Quezon City.
Ayon sa report ng QCPD-District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamumuno ni PMaj. Wennie Ann A Cale at pakikipag-ugnayan sa PDEA, RO-NCR, ikinasa ang buy-bust operation 12:00 ng madaling araw,
May 9, 2024, sa panulukan ng Dahlia St. at Agham Road, Brgy. Central Diliman, Quezon City.
Nakuha mula sa suspek ang 27 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P183,600.00, isang coin purse, at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment