Hindi napigilan ng pagbuhos ng malakas na ulan ang nag-aaalab na damdamin ng mga health buffs sa lungsod ng Maynila, sa ginawang paglulunsad ng 'Move Manila Car-Free Sunday' program ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Roxas Boulevard nitong Linggo kung saan libo-libo ang nakilahok.
Si Mayor Honey Lacuna ay sinamahan ni Vice Mayor Yul Servo at city officials sa pangunguna ng kanyang mister na si Manila Health Department chief Dr. Arnold 'Poks' Pangan at city councilors sa pangunguna ni 6th district Councilor Philip Lacuna, na siyang nag-akda ng ordinance kung saan ito ay nagbigay daan sa programa patungo sa paglulunsad ng 'Move Manila Car-Free Sunday' program ng pamahalaang lungsod na ginanap sa Roxas Boulevard nitong weekend.
Pinangunahan ng alkalde ang mga city officials at employees pati na ang mga grupo ng health at fitness enthusiasts sa mga aktibidad sa kahabaan ng Quirino Avenue hanggang P. Burgos Street.
Ginawa ang program launching ganap na 5:30 a.m. sa panulukan ng South Drive-Kalaw at Roxas Boulevard (tabi ng Museo Pambata).
Ang parehong lanes ng Roxas Boulevard na sumasakop sa kahabaan ay sarado sa traffic mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. nitong Linggo upang bigyang daan ang physical activities na naglalayong i-promote ang healthy lifestyle sa residente.
Ganito na ang magaganao tuwing Linggo at sa mga susunod pang Linggo base sa ordinansa na ipinakilala ni Councilor Philip at nilagdaan ni Mayor Honey.
Inatasan ng lady Mayor si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje na maglagay ng been rerouting map at traffic personnel para sa kabuuang paghahanda ng nasabing lingguhang pagtitipon.
Ang Manila Police District sa pangunguna ni Gen. Arnold Thomas Ibay, sa kabilang banda ay inatasan din maglagay ng mga road marshals para hindi magkagulo ang mga tao dahil ang kaligtasan nito ang pangunahing concern ng pamahalaan lungsod.
Sinabi pa ng alkalde na may mga first-aid stations at water stations na nakalagay sa mga lugar na sakop ng programa para sa mga nais na magpa- blood pressure checked bago o pagkatapos physical activities.
Sa nasabi ring programa, ay nagsagawa ng Zumba competition kung saan kalahok ang iba't-ibang mga School Parent-Teachers Associations (Manila SPTAs), maging ang mga iba't-ibang delegasyon ng sa Maynila ay nakilahok sa mga fitness buffs sa kanilang mga activities walking, jogging, running, biking, skateboarding at maging roller skating.
Naroon din ang grupo ng Barangay Councils and Sangguniang Kabataan, city hall officials, non-government organizations, school parent-teachers associations, sports clubs, running clubs at cycling clubs.
Pinasalamatan din ni Lacuna ang mga food establishments sa Roxas Boulevard service road na nag-aalok ng promotions bilang suporta sa programa.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment