Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension sa loob ng anim na buwan laban kay Nueva Ecija Governor Aurelio "Oyie" Umali dahil sa mga alegasyon na pinayagan nito ang paglalabas ng daan-daang mga quarry permit sa mga hindi kuwalipikadong contractor sa mga nakaraang taon.
Sa ulat ng Abogado.com.ph, may petsang Mayo 10, 2024 ang kautusan ng Ombudsman ngunit isinapubliko nito lamang Mayo 34 at epektibo kaagad na ipatutupad.
Inatasan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na ipatupad kaagad ang suspension order at inobliga rin ito na magsumite ng proof of compliance.
Nabatid na sinuspinde ng Ombudsman si Umali dahil nakakita umano ang mga graft investigator ng matibay na ebidensya ng grave and gross neglect in the performance of duty ng gobernadora na posibleng humantong sa pagsibak sa kanya sa tungkulin.
May kinalaman ito sa mga kasong administratibo na isinampa laban kay Umali dahil sa umano'y grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ayon sa Ombudsman, nabunyag umano sa congressional hearings na si Umali at ang kanyang asawa na si Czarina, sa panahon ng kanilang termino bilang mga gobernador ng Nueva Ecija, ay inabuso ang pagbibigay ng mga quarry permit para sa mga contractor kahit walang Environmental Compliance Certificates (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nakipagsabwatan umano sa mag-asawang Umali ang Provincial Environment and Natural Resources Officer na si Wilfredo Pangilinan.
Nakasaad pa sa limang pahinang suspension order ng Ombudsman na kapag nanatili si Umali sa kanyang puwesto habang nagsasagawa ng imbestigasyon ay maaaring maimpluwensiyahan ang mga isinampang kaso laban sa kanya at makompromiso rin ang mga ebidensiya.
Isang Roberto Duldulao ang humiling ng preventive suspension order laban kay Umali habang iniimbestigahan ang mga kinasasangkutan umano nitong anomalya.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment