Pinigil ang isang merchant vessel (MV) na pinamamahalaan ng pitong tripulante ng China noong Huwebes, May 17, sa bayan ng San Felipe sa Subic, Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa inisyal na ulat, sinabi ni CDR Euphraim Jayson Diciano, commander ng PCG sub-station sa Zambales, ang MV Hyperlink 988 na nakarehistro sa Freetown, Sierra Leone ay pinigil sa bisinidad ng baybayin ng Barangay Sindol matapos magsagawa ng inspeksyon ang PCG sub-station sa barko at natuklasan ang 21 deficiencies.
Sa inspeksyon, nalaman ng mga tauhan ng PCG na walang hard copies ng kinakailangang permit ang barko at iba pang dokumento kabilang ang listahan ng crew.
Ayon sa ship captain, ang destinasyon ng barko ay sa Manila anchorage.
"However, due to high anchorage fees, they chose the more affordable anchorage," sabi ng local PCG sub-station.
Noong Mayo 15, nakatanggap ang PCG sub-station ng notification na isang unidentified vessel ang namataan na nagtataas ng watawat ng Pilipinas sa nasabing bayan.
Sa beripikasyon sa pamamagitan ng online marine application, nalaman na ang AIS (automatic identification system) ng barko ay patay kaya imposibleng makuha ang imporamsyon nito.
Sinubukan din ng mga tauhan ng PCG na makipag-ugnayan sa mga tripulante ng barko sa pamamagitan ng radyo ngunit walang natanggap na tugon.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment