Daily Mail PH

Sunday, May 26, 2024

IKINASA SA SENADO ANG BATAS NA TOTAL BAN SA POGO 

Naghain si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa upang tuluyan nang masugpo ang kriminalidad na sangkot dito. Sinabi ni Gatchalian na inihain ang pan…
Read on blog or Reader
Site logo image http://headlinesngayonblog.wordpress.com Read on blog or Reader

IKINASA SA SENADO ANG BATAS NA TOTAL BAN SA POGO 

Headlines Ngayon

May 27

Naghain si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa upang tuluyan nang masugpo ang kriminalidad na sangkot dito.

Sinabi ni Gatchalian na inihain ang panukala bunsod ng lumalakas na kahilingan ng publiko labansa pananatili ng POGO na sangkot ang ilang krimen tulad ng human trafficking, kidnapping at prostitusyon.

Partikular na inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 2689 na naglalayong bawiin ang taxability o pagpapataw ng buwis sa offshore gaming sa bansa batay sa itinatakda ng Republic Act 11590, ang tanging batas na pumapayag sa operasyon ng mga POGO.

Ang RA 11590 ay nilagdaan bilang batas noong Setyembre 22, 2021 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

"Ang pangunahing layunin sa huli ay ipawalang-bisa at ipagbawal ang mga operasyon ng offshore gaming sa bansa," diin ni Gatchalian, sa paghahain niya ng panukala. Ang senador ang namumuno ng Senate Committee on Ways and Means.

Ipinaliwanag niya na habang ang industriya ng POGO ay nagdadala ng kita at nagbibigay ng trabaho, ang bansa ay nakikipagbuno sa pagsawata ng mga krimen na may kaugnayan sa POGO.

Binanggit ng senador ang ilang mga insidente na nakarating sa atensyon ng Senado.

Kabilang sa mga naturang insidente ang pagsalakay ng mga awtoridad nitong Mayo noong nakaraang taon na kinasangkutan ng Colorful and Leap Group, isang POGO hub na matatagpuan sa Clark Freeport Zone na nagdulot ng pagsagip sa halos isang libong dayuhan at higit isang daang Pilipino.

Isang hiwalay na pagsalakay ng pulisya naman ang naganap noong sumunod na buwan sa Xinchuang Network Technology sa Las Piñas na sumagip sa may 2,700 na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking.

Isa pang raid noong Oktubre ng nakaraang taon ang isinagawa rin laban sa Smart Web Technology sa Pasay City, na humantong sa pagkakatuklas sa loob ng kompanya ng isang torture chamber, isang aquarium-style viewing chamber, at mga massage parlor na sinasabing ginagamit para sa prostitusyon.

Noong Marso ng taong ito, ang raid na isinagawa sa Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac ay nag-udyok ng reklamo mula sa isang Vietnamese national ng umano'y human trafficking at serious illegal detention.

Ayon kay Gatchalian, ang iba't ibang krimen na iniuugnay sa industriya ay nagdulot ng lumalakas na hiling ng publiko para ipagbawal na ang mga POGO, lalo na't malaki rin ang gastos ng gobyerno sa mga operasyon laban sa mga ito.

Ibinunyag ng senador na ang cost-benefit analysis na isinagawa ng Department of Finance (DOF) noong 2022 ay nagpakita na ang POGO operations ay nakapagbigay ng economic benefits na nagkakahalaga ng P133.7 hanggang P144.5 billion taon-taon.

Sa kabilang banda, ang mga operasyon ng POGO ay nagdulot ng pagkawala ng napakalaking halaga na P147.7 bilyon taon-taon dahil sa mga nawalang potensyal na pamumuhunan at kita sa turismo, kasama na ang mga gastos para sa mga raid. Nagresulta ito sa net cost na humigit-kumulang P3.3 bilyon hanggang P14 bilyon kada taon, katumbas ng 0.01% hanggang 0.06% ng gross domestic product o GDP.

"Nangangahulugan ito na ang mga operasyon ng POGO ay nagdulot ng higit na pinsala kaysa sa kabutihan, dahil ang mga gastos sa ekonomiya ay mas malaki kaysa sa mga benepisyong nakukuha mula sa mga naturang operasyon," sabi ni Gatchalian.

"Higit pa sa epekto sa pananalapi, ang pagtaas ng insidente ng human trafficking at mga online scam na nauugnay sa mga POGO ay nagpapakita lamang ng pagkabigo na dapat nating tugunan," pagtatapos niya.

MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

http://headlinesngayonblog.wordpress.com © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at May 26, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] 5 Key Technologies Streamlining the Crypto User Experience
    ...
  • What do you think about BBM’s 3rd year in office? Join the convos!
    Hi, daily! With the State of the Nation Address (SONA) coming up on July 28...
  • Why is Ninoy Aquino Day important to you? Join Rappler’s chat on August 21!
    Hi daily! Who is Ninoy Aquino to you? What lessons from his life still spea...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.