Ipinasa ng Business Permit and Licensing Office ang 544 na mga negosyo sa Baguio City mula Enero 1 hanggang Mayo 15, 2024 sa pag-ooperate kahit walang kaukulang permit.
Karamihan sa mga establisyimentong ito ang nadiskubre kasabay ng routine inspections at sumbong ng publiko.
Inisyu ng BPLO ang 20,375 business permits para sa unang apat na buwan ng taon, at patuloy pang nakakatanggap ng mga aplikasyon maging ang mga renewal documents sa pag-asang malampasan ang 24,426 permits na inisyu noong nakaraang taon.
Sa 20,375 mga negosyo na may permit, 19,522 ang renewals at 853 ang newly registered.
Karamihan sa mga registered businesses ay sangkot sa wholesale at retail trade, na sinundan ng accomodation at food services.
Sinabi pa ng BPLO na 17,825 o majority ay micro-enterprises, 1,933 ang small-scale, 524 ang medium enterprises, at 93 ang large-scale businesses.
Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na tataas ang business permit applications sa electronic business permit application system sa pamamagitan ng official portal ebpls.baguio.gov.ph.
Ang online application system ay bilang pagtugon sa Ease of Doing Business law at Anti-Red Tape Act (ARTA), partikular na ang Electronic Business One-Stop-Shop (eBOSS).
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment