Inilikas ang mga pasyente sa San Juan District Hospital sa Barangay Talahiban, San Juan, Batangs matapos na abutin ng tubig baha dala ng malakas na pag-ulan dahil sa bagyong 'Aghon.' Pansamantalang inilkas ang mga pasyente sa makeshit hospital sa… | Headlines Ngayon May 28 | Inilikas ang mga pasyente sa San Juan District Hospital sa Barangay Talahiban, San Juan, Batangs matapos na abutin ng tubig baha dala ng malakas na pag-ulan dahil sa bagyong 'Aghon.' Pansamantalang inilkas ang mga pasyente sa makeshit hospital sa San Juan covered court. Ayon sa San Juan MDRRMO, hinakot ang mga pasyente sa pamamagitan ng mga ambulasya, MDRRMO service vehicle at mga police patrol car. Kinailangan din isakay ang iba sa payloader matapos abutin ng tubig baha ang compound ng hospital dahil sa pag-apaw ng ilog malapit dito. Maging Laiya-San Juan national road ay naabot din ng tubig at pansamantalang isinara din muna sa mga motorista. BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment