Nanawagan si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon sa liderato ng Senado na sibakin si Sen. Ronald Dela Rosa bilang chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay ng naging paghawak nito sa "PDEA leaks" investigation.
Ginawa ni Gadon ang pahayag matapos ang ikatlong pagdinig ng komite ni Dela Rosa sa umano'y report ng PDEA na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
"Dapat talaga ay itigil na yang hearing hearing na yan ng committee ni Sen. Dela Rosa dahil wala namang patutunguhan at pag-aaksaya lamang ng pera ng gobyerno," sabi ni Gadon.
"Yan naman ay base lamang sa chismis. Isipin nyo yung sinasabi ni Sen. Bato ay authentic daw yung form, yung report. It refers only to the authenticity of the form eh kahit naman sinong empleyado ng gobyerno pwede kang gumawa ng report doon sa form na ipi-fill up mo, what matters most eh yung credibility nung nire-report mo. Kung ang iyong superior ay itinanggi o ibinasura yung report mo kasi nga hindi naman credible eh di wala," dagdag pa nito.
Iginiit ni Gadon na magkaiba ang authenticity at credibility.
"Iba ang authenticity sa credibility. The form may be authentic but how about the credibility na it refers to truthfulness of the report of the contents of the report. Magkaiba yun," sabi pa ng presidential adviser.
"Ako nanawagan ako kay Senate President Migz Zubiri na palitan, tanggalin na dyan sa komite na yan si Bato Dela Rosa dahil kasi nakita nyo naman wala naman talagang pinatutunguhan kundi gusto lang ay mag-create ng destabilization kay President Bongbong Marcos," dagdag pa ni Gadon.
Sinabi ni Gadon na dapat ay isoli ni Dela Rosa ang pondo ng taumbayan na nasayang sa isinagawa nitong pagdinig.
"Alam nyo nami-miss ko yung araw na ang mga senador ay talagang mahuhusay, matatalino, magagaling, whose erudition of the issues being discussed in the Senate are all so intelligent, smart, bright, and very scholarly," sabi pa nito.
"Eh itong si Sen. Bato Dela Rosa isipin nyo naman he cannot even expressed himself in straight english even in tagalog mali-mali pa or kaya nauutal pa ano ba naman klaseng senador yan kaya dapat wag ng gawing chairman yan ng komite," dagdag pa ni Gadon.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment