Happy si Sheree na hanggang ngayon ay close pa rin sila ng mga kasama sa original Viva Hot Babe.
Nabanggit din niyang happy siya kay JC Parker sa pagkakaroon ng kambal na anak.
"I'm really-really happy for them, kasi dream talaga ni JC iyan na magkaroon siya ng family, magkaroon siya ng baby.
"Kaya nga noong nagka-baby na siya, hindi na namin siya masyadong ginugulo. Kasi before we always have get together talaga. Dati talagang pilitan na dapat uminom, pero dahil gusto niya magka-baby, kaya okay na yung tubig na lang siya."
Nagbibigay din ba siya ng advice sa mga kasama niya?
"Oo naman, naku! Sabi ko nga, iyong mga gusto pang magka-baby until now kung saan na kami ngayon, bilib ako sa kanila.
"Kasi ako, for myself ay hindi ko na yata kaya magka-baby ulit. Kasi parang, virgin na po ako ulit eh," pahalakhak na sambit ni Sheree.
"Oo, nagsara na po siya… So, mahirap naman pong buksan natin siya ulit, hindi ba? So, dyan na lang po siya, stay put na lang siya riyan sa pagka-virgin," pabirong wika pang muli ni Sheree.
Sa mga hindi aware, si Sheree ay isang multi-talented artist. Bukod sa pagiging aktres, siya ay singer, composer, pole dancer, painter, at disc jockey.
Makikita rin ang mga ginawang paintings ni Sheree sa loob ng Music Museum.
"Kasi I'm featuring also my paintings, kaya pagdating nyo sa Music Museum ay makikita nyo itong naka-display.
"Actually, iyon din ang ginagawa ko talaga, the reason why I produce this show and at the same time, iyong goal ko rin talaga is to help also, not just do a show.
"I'm also supporting a charity, so hopefully after the concert, the cast can join me and visit the lolas in the Abandoned Grandmas in Laguna. Sila po ang beneficiary, painter din po kasi iyong sister doon na nagbabantay. So, nakakatuwa lang na nakaka-resonate ako sa kanila."
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment