Dismayado si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. dahil sa talamak umanong korapsiyon sa loob ng ahensiya na kasalukuyan niyang pinamumunuan.
Inihayag ito ni Catapang nang bumisita kamakailan si Senador Raffy Tulfo sa BuCor sa Muntinlupa City.
"We inherited a rotten system that was steeped in corruption," pahayag ni Catapang sa senador.
Pero ginagawa na umano niya ang mga kinakailangang hakbang upang baguhin ang sistema sa loob ng BuCor at higit itong maging isang maayos na ahensiya.
Sa kabilang banda, pinapurihan naman ni Tulfo ang BuCor chief dahil sa mga magagandang ginagawa nito sa ahensiya mula nang pamunuan ito.
Pinalitan ni Catapang si dating Director General Gerald Bantag na kasalukuyang nagtatago matapos masangkot sa pagpaslang sa broadcast journalist na si Percival "Percy Lapid" Mabasa na tinambangan sa Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment