Nangunguna ang San Juan City sa may pinakamaraming basura na nahakot matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Carina habang pinakakonti naman ang Malabon City.
Sa ulat, umaabot sa 63.54 tonelada o katumbas na 15 truck ang basurang nakolekta sa San Juan habang 17 tonelada naman ang nahakot sa Malabon City mula noong Hulyo 24.
Sa kabuuan, umaabot na sa mahigit 300 tonelada ang basurang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa dalawang araw na pananalasa ng bagyong Carina.
Ayon sa MMDA, inaasahang darami pa ito dahil patuloy ang isinasagawa nilang massive clearing operation sa mga lugar na binaha, partikular sa paligid ng mga ilog at baybayin sa Metro Manila.
Kahapon, higit sa 600 tauhan ang ipinakalat ng MMDA para maglinis sa buong Metro Manila.
Sa ulat, nasa 387.65 tonelada o katumbas na 90 truck ng basura ang nahakot ng ahensiya mula noong Hulyo 24.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment