Nagsasagawa na ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ng kanilang sariling imbestigasyon sa napaulat na ilan sa kanilang mga empleyado ay inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano'y pagkakasangkot sa bentahan ng kidney.
"While we confirm that the said nurse is indeed an employee of the NKTI, we would like to assure the public that the management is already conducting its own investigation on the matter," saad ng NKTI sa isang pahayag.
Binalaan din nito ang publiko tungkol sa mga transaksyong isinasagawa sa labas ng ospital ng ilang grupo, organisasyon, o pribadong indibidwal na nagsasabing nauugnay sila sa NKTI.
"We would also like to warn the public of transactions outside of the hospital entered into by certain groups, organizations, or private individuals claiming to be from the NKTI," sabi pa ng NKTI.
"The NKTI, being the National Specialty Center for Renal Health and Organ Transplantation, honors only legitimate transactions regarding living organ donation and transplantation, including deceased organ donation," dagdag pa nito.
Higit pa rito, pinayuhan ng NKTI ang mga pasyente at iba pang stakeholder na bisitahin ang instituto para sa "lehitimo" at "tumpak" na impormasyon sa mga serbisyo at aktibidad nito.
Pinayuhan din ng NKTI ang mga pasyente at iba pang stakeholder na bisitahin ang institusyon para sa lehitimong mga impormasyon sa mga serbisyo at aktibidad nito.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment