Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese na pugante sa kanilang bansa at dawit sa iba't ibang krimen sa Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, inaresto ng mga operatiba ng fugitive search unit ng BI ang mga puganteng sina Jun Chen, 28; Hongry Zhang, 26; at Hao Zhen, 27, noong Agosto 13 sa Barangay Tambo, ParaƱaque City.
Sinabi ni Tansingco na naglabas siya ng mission order laban sa tatlo sa kahilingan ng Chinese government na nagpaalam sa BI sa presensya ng mga pugante sa bansa.
Gayunman, ipinaliwanag ni Tansingco na hindi pa maaaring i-deport ang tatlo dahil nahaharap pa sila sa kasong kriminal para sa robbery, grave coercion, illegal detention, gun possession, at illegal drugs trading na isinampa ng pulisya laban sa kanila sa ParaƱaque City prosecutor's office.
"They can only be deported after the criminal cases against them are resolved and, if convicted, they will have to first serve their sentence in jail," paliwanag ni Tansingco.
Kinasuhan ang mga ito ng pulisya dahil sa pagdukot at ilegal na pagkulong sa Vietnamese na kalaunan ay nailigtas ng pulisya.
Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, dalawa sa tatlong Chinese ang subject ng arrest warrant na inisyu ng public security bureau sa Jinjiang, China habang ang isa ay overstaying alien.
Ani Sy, mga undocumented alien na ang tatlo dahil kinansela na ng gobyerno ng China ang kanilang pasaporte.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment