Nasa 17,500 na mga Pilipino sa Lebanon ang nanganganib na maapektuhan ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Nagpahayag ng pagkabahala si OFW party-list Rep. Marissa Magsino kasabay ng pananawagan nito sa mga kababayan sa Lebanon na kung hindi naman kinakailangang manatili, ay lumikas na at makipag-ugnayan sa Philippine Embassy.
Masalimuot ang sitwasyon ngayon ng seguridad sa Lebanon dahil sa tensiyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Inabisuhan na rin ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Lebanon na mag-evacuate na habang maaari pang makalabas sa paliparan at magtungo sa mga karatig na lugar kung saan mas ligtas sila.
Tiniyak na rin ni Magsino sa mga apektadong Pinoy sa Lebanon na patuloy na nakaantabay ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagbibigay ng tulong sa kanila.
FAITH N. DINGLASAN – GLOBAL NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment