Sinalakay dakong ala-1:30 kaninang madaling-araw, Agosto 2 ang dalawang room ng temporary shelter ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa matapos malaman na ginagawa pala itong drug den.
Ang mga suspek sa ay sina Roger Flores alias Kibor, 47 anyos may asawa, Cris Dayap babae 30 anyos, Baby Delfin Constantino 31 anyos, dalaga, Charlene Pomar Baillo 32 anyos babae may asawa, at Roldan Pueson alias Dax , drug den maintainer.
Ang parokyano sa drug den ay Jamil Maurucio 27 anyos binata, mangingisda, Ferlyn Gabriel 22 anyos babae, Diane Bragais 33 anyos na pawang dayo sa lugar.
Ang nakuha na hinihinalang droga sa unang kuwarto ay 11.81 grams na may street value na 48,480 pesos at maraming non drug evidence tulad ng foil na gamit sa pagtira ng droga.
Sa ikalawang bahay nasa 13.13 grams ng hinihinalang shabu ang nakuha na may street value na 53,898.65 pesos, at ibat ibang uri ng mga non drug evidence na gamit din sa pagsinghot ng droga.
Napasok ang mga suspek sa pamamagitan ng raid sa bisa ng Search and seizure operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Palawan, mga operatiba ng Puerto Princesa City Police Office, Regional Police Drug Enforcement unit, at marami pang mga awtoridad.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 6,7, 11 at 12 article II ng RA 9165, nasa custody ng PDEA ang mga suspek.
Ang shelter ay pansamantalang tirahan ng mga nasunugan sa Puerto Princesa City.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment