Pumalo na sa 11 ang nasawi na natagpuan sa ibat-ibang palapag ng residential building sa Binondo, Maynila ngayong Biyernes.
Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection-Manila, fire under control pa rin ang sunog sa na umabot sa ikalawang alarma ngunit kumitil ng ilang mga buhay.
Ayon kay Nori Minete, kasama ang kanyang misis at kanyang mga border ang na-trap sa sunog sa anim na palapag na gusali na matatagpuan sa Carvajal St., sa Binondo. Napag-alaman na wala sa bahay si Minete nang mangyari ang sunog.
Sa mga nasawi, natagpuan ang 6 na biktima sa ikalawang palapag habang 5 naman sa ikatlong palapag.
Napag-alaman na pawang mga border ang mga biktima.
Ang nasabing gusali ay wala umanong fire exit kaya naman ang pasukan nito o entrada ay yun din ang kanilang exit o lalabasan.
Maari din umanong pawang mga tulog ang mga biktima kaya hindi na nila nagawang lumikas pa nang mabalutan na sila ng makapal na usok sa loob ng kanilang mga silid.
Labis naman ang panlulumo ni Minete na siyang landlord ng mga nasawing borders dahil sa nangyari lalo pa't kasama ang kanyang asawa sa na-trap at namatay.
Hindi pa rin idinideklarang fire out ang sunog habang nagsasagawa pa ng mapping operation sa gusali.
Gayundin ang pagkakilanlan ng mga biktima ay patuloy pang inaalam ng mga awtoridad.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment