Limang Vietnamese na sangkot umano sa cybercrime at qualified theft ang inaresto ng mga miyembro ng Makati City Police Station noong Martes. Base sa ulat ng pulisya, nahuli ang mga suspek na naglilipat ng cryptocurrency na nagkakahalaga ng $45,000 mu… | By Headlines Ngayon on August 2, 2024 | Limang Vietnamese na sangkot umano sa cybercrime at qualified theft ang inaresto ng mga miyembro ng Makati City Police Station noong Martes. Base sa ulat ng pulisya, nahuli ang mga suspek na naglilipat ng cryptocurrency na nagkakahalaga ng $45,000 mula sa Imtoken e-wallet ng isang financial company sa isa pang account na kanilang ginawa. Ipinaliwanag ng mga awtoridad na may access ang mga suspek sa online account ng kumpanya bilang financial staff at ang ninakaw na e-money ay inilaan para sa operational fund ng kumpanya. Nasa kustodiya na sila ngayon ng Makati City Police Station. BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment