Hindi umano exempted ang Palawan sa kinatatakutang "The Big One" na lindol.
Ayon ito kay Jeffrey Perez, supervising science research specialist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.
Aniya, ang Palawan ay hindi exempted sa mga lindol at tsunami at nararamdaman na ito paunti-unti, bilang researcher ng Phivolcs alam umano niya ito.
Hindi umano ito dapat itinatago sa Palawenyo o kaya ay patuloy na sabihin na walang lindol at tsunami na mararanasan sa Palawan, ang dapat ay paghandaan ito.
Hindi rin dapat ikatakot o ipag-alala na ipaalam na ang Palawan ay hindi ligtas sa lindol at Tsunami, naniniwala si Perez na magiging kampante ang mga turista na dumayo sa Palawan kapag nakita ang magandang preparasyon ng LGU at ng PDRRMO.
Kaya rekomendasyon nito sa lahat ng LGU sa buong Palawan na maghanda para dito bago pa magkagulatan uli sa posible na kaharapin na lindol at Tsunami.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment