Plano ng Department of Information and Communications (DICT) na kumuha na lamang ng mga empleyadong hacker upang palakasin ang cybersecurity ng bansa dahil na rin sa madalas na cyberattack sa mga website ng gobyerno.
Inihayag ito ni DICT Assistant Secretary at Spokesperson Renato Paraiso sa panayam ng programang "Easy Lang" sa DWAR Abante Radyo nitong Huwebes, Agosto 22, ngunit kailangan din aniya nila ng confidential and intelligence fund (CIF) para mag-hire ng mga hacker.
"Ang mga nahuhuli nating hackers at `yung mga magagaling na hackers, not formally educated. Unang-una, hindi sila papasa sa civil service requirement. Kung makakuha ka naman ng exemption, `yung salary naman nila, `pag dinala sa labas ang daming kukuha sa kanila na mas malaki ang suweldo," ayon kay Paraiso.
"Ang isa sa mga tinitingnan naming creative ways ay `yung paggamit ng intelligence fund. `Yan Naman talaga ang gamit ng intelligence fund. Sa kasamaang palad, walang line item na confidential o intelligence funds ang DICT," dagdag niya.
Iminungkahi ng DICT ang P300 milyong CIF para ngayong taon ngunit ibinasura ito ng Kongreso.
Sabi ni Paraiso, ipinapaubaya ng DICT sa desisyon ng Kongreso ang badyet ng ahensiya ngunit umaasa sila na makatanggap ng mas malaking pondo.
"Ang DICT is imbued with an intelligence purpose kasi itong pag-gather in info about ongoing threats globally, minomonitor namin `yan so we employ intel assets. We're finding it very creative to fulfill our mandate," ayon pa kay Paraiso.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment